I'm so jealous!

Pilit ko mang intindihin ang mga nangyayari sa atin pero di ko parin maiwasan na mag-compare at mainggit! I'm super inggit! Kc kahit anong isip ko sa mga unang buwan ng relasyon natin, never kang nag text sa akin to call you, never kang nag-call sa akin para lang makausap ako. Kung tumatawag ka man dahil may iuutos ka sa akin or may sasabihin ka sa akin na tungkol sa ibang tao, hindi sa akin o tungkol sa atin. Ngaun namasasabi ko na talaga na totoong mahal mo nga sya. Nakakainggit lang kc for 5 years di mo man lang yan pinaramdam sa akin.

Tanong ko ngaun sa sarili ko, minahal mo ba talaga ako o sadyang pinilit lang kitang mahalin mo ako? How I wish kaya kong gawin ang mga bagay na gusto mo sa isang ideal relationship mo. Anyways, ano ba tlga ang ideal relationship mo beh? Kc parang ang tingin ko iba ang ideal relationship mo sa akin at iba naman ang ideal relationship mo sa iba. Para bang ako ang exception sa lahat ng standards mo or pwede ring sinasakyan mo lang ako kc di ko kayang ibigay ang mga gusto mo. Hanggang ngaun beh di ko parin maintindihan kung ano tlga ang ideal relationship mo.

I'm a loser! Such a loser! I'm a failure! Such a failure! And I am really sorry for that.

Happy Terdeeeeee?!!!

October 25, 2012

Sobrang nainggit daw ako sa post na to. Kung mabasa mo to, alam ko malalaman mo na syo ko to kinuha. Pero sensya na kung ginamit ko to. Naalala ko lang kc, parang kelan lang parang end of the world na ang nangyari sa akin. October 21 natapos na relasyon namin sa loob ng 64 months and 4 days. Dahil sa nangyari nasabi ko talaga na masyadong madaya ang mundo. Pero sabi nga nya, I've created my own destiny. 

Ang hirap magmahal ng totoo kung ang pagmamahal na yon ay di kayang ibalik syo. Kahit man lang sana kunti lang. Pwede na un. Sapat na un. Ngaun ang puso ko ay nagdurugo. Naghahanap ng pansin. Naghahanap ng kalinga. Naghahanap ng pagmamahal. Pero bakit kya ganun, alam naman nyang wala na syang pag-asa na balikan pa pero di nawawala ang kanyang panaginip na isang araw paggising nya, di nangyayari ang mga to. Nagpakabulag, nagpakabingi at nagpakapipi.

Anyways, Happy Terdeeeee sa inyo! I'm happy for you guys! Sana kyo na forever.

Thank you baby!


Hi beh,

Maraming salamat at pumayag ka sa mga hiling ko kahit na alam kong labag sa loob mo. Mas mabuti ng ganito beh kc kahit papaano nakakasama kita habang wala pa si Jead. I wish and hope, by the time he will come, I am ready! Ready to let you go totally. And ready to lose you forever.

Thank you so much beh for understanding. Thank you for still granting my happiness even though we are officially off. I am very much happy for your decisions. Happy in a sense you did not complicate my favor.

Love you so much beh.

Painful truth


October 21, 2012

Hi Beh,

As much I want to keep you in my arms, it is not enough. I want to hear the truth and you gave me that. It hurts a lot. You know why? Not because I gave my all but because I don't need to be loved by you as much as I love you! All I need is just your love. No matter how much it is as long as you love me, it is enough for me. Unfortunately your not contented with it.

I felt so jealous with Maurice and now with Jed. Noong kyo ni Maurice, nanliit ako noon beh. Alam mo ba kung bakit? Kc feeling ko di kita napapaligaya. Ngaun naman with Jed kinikwento mo naman sa kanya na hindi ako sapat sayo. Di ko na alam kung anong maramdaman beh. Sabi mo nga dahil wala ka ng nararamdaman sa akin. Bilang isang kaibigan nalang. Masakit un beh. Knowing na meron ka ng mahal na iba.

Ngaun na final na at nakipaghiwalay ka na sa akin, masakit beh. Sobrang sakit. Nagdurugo ang puso ko. Hindi dahil sa meron ka ng iba kundi dahil sa hindi mo na ako mahal. Alam kong kasalanan ko lahat kung bakit nawala ang pag-ibig mo sa akin and I am sorry for that. Medyo naiintindihan ko pa ung tulad ng na-meet mo sa NBI kc kahit papaano di ka attached sa kanya. Purely un lang tlga ang hanap mo. Pero kay Maurice at Jed, hindi eh. Kya ako nagseselos sa kanila. Kya ako nanliit sa sarili ko. Sabi mo nga dahil meron silang maibigay na wala ako.

Ikaw ang buhay ko beh. Di ko alam kung paano magsimula ulit at kung paano babangon kung wala ka na. Alam mo ba beh na nakaikot lang sa atin 2 ang mga pangarap ko. Pero alam ko din na wala ako sa picture ng mga pangarap mo. Kya minsan iniisip ko kung ipagpatuloy ko parin bang mangarap. Siguro nga titigil na ako sa mga pangarap ko. Kc alam ko naman na hinding-hindi un mangyayari.

Ang sakit beh. Sobrang sakit.

Di lang ikaw ang nahihirapan


October 15, 2012

Ang hirap maging martyr beh. Ang alam ko kapag totoong love mo ang isang tao, handa mong gawin lahat mabigay mo lang sa kanya kahit na ang ibig sabihin nun mapabayaan mo na ang sarili mo as long as masaya ka pa.

Beh, mahal na mahal kita beh. Masaya parin akong kasama ka. May tiwala parin ako sayo. Pero natatakot ako na iiwanan mo ako isang umaga. Dahil di pa ako handa doon. O di ako magiging handa kailanman. Alam mo ba beh kung bakit kc mula ng maging tayo inisip ko na ikaw na makakasama ko habang buhay.

Tuwing tinatanong kita kung mahal mo pa ba ako at ang sagot mo lang ay mahal pero matabang. Lagi mo pang sinasabi pero hindi gaya ng pagmamahal mo. Ang sa akin lang di ko kailangan ang pagmamahal ng gaya ng pagmamahal ko. Mahal mo lang ako sapat na lahat un.

Lately nagseselos ako kausap mo sa phone na nagngangalang Jed na na-meet mo lang sa KM. Noong una pinayagan kitang gawin un dahil ang akala ko friendly calls lang un pero gabi-gabi kyong nag-uusap at narinig ko pa kyo one time na gusto nyang maging kyo at nawindang ako sa sagot mong, "di ko alam, naguguluhan ako, ewan, basta". Doon palang ramdam ko na gusto mo na din sya. Di ko alam kung mahal mo tlga sya o may nakita ka lang sa kanya na di mo nakikita sa akin.

Alam ko naman beh na di ako perpekto at malaki ang pagkukulang ko syo. Di kita napapaligaya sa lahat ng pagkakataon bagkos lagi pa tyong nag-aaway. Pero di ko kakayanin beh na makita kong naghahanap ka ng iba.

Ang dami mong tinatago sa akin beh. Lahat ng mga un na diskobre ko lang sa sarili ko. O sadyang malakas lang tlga ang kutob ko na sobrang naging totoo. Kung di ko pa nalalaman di mo sinasabi sa akin. Galit ka pa tuwing tinatanong kita kungkol dito. Naiintindihan ko pa ang mga relasyon mo sa Babe mo na si Gaz, Adam, Andrew and Peter at kanino pa. And di ko naman maintindihan ay ung kay Morris at Jed.

Nabasa ko ung share mo sa FB today saying "State of mind and heart". Binasa ko ang lyrics beh kc di ko alam ung kanta (Di Lang Ikaw by Juris Fernandez):

"Pansin mo ba ang pagbabago?
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila di na nananabik
Sa iyong yakap at halik
Sana'y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay maging Malaya

Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

Pansin mo ba ang nararamdaman
Di na tayo magkaintindihan
Tila hindi na maibabalik
Tamis ng yakap at halik
Maaring tama ka lumalamig ang pagsinta
Sana'y malaman mong di ko sinasadya"

Ramdam ko din beh ang mga salita sa kanta. Ramdam ko din beh na ganyan nga ang nararamdaman mo ngaun. Ramdam ko bawat titik sa kanta beh. Pilit ko mang iwasan pero di ko mapigilang tumulo luha ko habang nagsusulat neto.

Beh, kung di mo na tlga kayang mag-stay sa akin beh dahil ung lang ang sabi ng isip mo, kakayanin ko beh. Di ko man lubusang maintindihan un o di ko man magustuhan un pero kung makapag-decide ka na wala na akong magagawa at tanggapin ang desisyon mo.

Thank you beh for everything. Thank you kc kahit papaano naramdaman ko maging kabahagi ng pamilya mo at kadamay ko sa lahat ng oras. Thank you sa lahat lahat beh. I love you so much, beh. And I will cherish everything we had.

No Wispering Please!

October 8, 2012

I don't know why every time I hear you whispering specially if you are talking to someone over the phone or Skype I feel like you're cheating on me. I know its weird but this is how i feel. My point is, you don't have to whisper if you hide nothing.