Di lang ikaw ang nahihirapan


October 15, 2012

Ang hirap maging martyr beh. Ang alam ko kapag totoong love mo ang isang tao, handa mong gawin lahat mabigay mo lang sa kanya kahit na ang ibig sabihin nun mapabayaan mo na ang sarili mo as long as masaya ka pa.

Beh, mahal na mahal kita beh. Masaya parin akong kasama ka. May tiwala parin ako sayo. Pero natatakot ako na iiwanan mo ako isang umaga. Dahil di pa ako handa doon. O di ako magiging handa kailanman. Alam mo ba beh kung bakit kc mula ng maging tayo inisip ko na ikaw na makakasama ko habang buhay.

Tuwing tinatanong kita kung mahal mo pa ba ako at ang sagot mo lang ay mahal pero matabang. Lagi mo pang sinasabi pero hindi gaya ng pagmamahal mo. Ang sa akin lang di ko kailangan ang pagmamahal ng gaya ng pagmamahal ko. Mahal mo lang ako sapat na lahat un.

Lately nagseselos ako kausap mo sa phone na nagngangalang Jed na na-meet mo lang sa KM. Noong una pinayagan kitang gawin un dahil ang akala ko friendly calls lang un pero gabi-gabi kyong nag-uusap at narinig ko pa kyo one time na gusto nyang maging kyo at nawindang ako sa sagot mong, "di ko alam, naguguluhan ako, ewan, basta". Doon palang ramdam ko na gusto mo na din sya. Di ko alam kung mahal mo tlga sya o may nakita ka lang sa kanya na di mo nakikita sa akin.

Alam ko naman beh na di ako perpekto at malaki ang pagkukulang ko syo. Di kita napapaligaya sa lahat ng pagkakataon bagkos lagi pa tyong nag-aaway. Pero di ko kakayanin beh na makita kong naghahanap ka ng iba.

Ang dami mong tinatago sa akin beh. Lahat ng mga un na diskobre ko lang sa sarili ko. O sadyang malakas lang tlga ang kutob ko na sobrang naging totoo. Kung di ko pa nalalaman di mo sinasabi sa akin. Galit ka pa tuwing tinatanong kita kungkol dito. Naiintindihan ko pa ang mga relasyon mo sa Babe mo na si Gaz, Adam, Andrew and Peter at kanino pa. And di ko naman maintindihan ay ung kay Morris at Jed.

Nabasa ko ung share mo sa FB today saying "State of mind and heart". Binasa ko ang lyrics beh kc di ko alam ung kanta (Di Lang Ikaw by Juris Fernandez):

"Pansin mo ba ang pagbabago?
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila di na nananabik
Sa iyong yakap at halik
Sana'y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay maging Malaya

Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

Pansin mo ba ang nararamdaman
Di na tayo magkaintindihan
Tila hindi na maibabalik
Tamis ng yakap at halik
Maaring tama ka lumalamig ang pagsinta
Sana'y malaman mong di ko sinasadya"

Ramdam ko din beh ang mga salita sa kanta. Ramdam ko din beh na ganyan nga ang nararamdaman mo ngaun. Ramdam ko bawat titik sa kanta beh. Pilit ko mang iwasan pero di ko mapigilang tumulo luha ko habang nagsusulat neto.

Beh, kung di mo na tlga kayang mag-stay sa akin beh dahil ung lang ang sabi ng isip mo, kakayanin ko beh. Di ko man lubusang maintindihan un o di ko man magustuhan un pero kung makapag-decide ka na wala na akong magagawa at tanggapin ang desisyon mo.

Thank you beh for everything. Thank you kc kahit papaano naramdaman ko maging kabahagi ng pamilya mo at kadamay ko sa lahat ng oras. Thank you sa lahat lahat beh. I love you so much, beh. And I will cherish everything we had.

No comments:

Post a Comment