Para kanino ka ba bumabangon?

December 17, 2015

Isang malaking tanong para sa taong nauubusan na ng inspirasyon. Sa totoo lang kc malaking tulong ang inspirasyon para buuhin ang araw mo. Pero pag wala ka neto, kahit mabuhay ay hindi na sapat na dahilan para bumangon ka at magpakatino.

Wala ka na ngang inspirasyon pero paano pati ung mga distraction mo sa mga taong nagpapasira ng araw mo ay ipagkakait din syo? Pakamatay na ba? Hayz! Malapit na siguro ako dadating sa option na un.

Napakalungkot talagang mabuhay sa walang kulay na mundo. Kahit konting nagpapakirot sa mga palabas sa tv ay naiiyak ka kaagad. Feeling mo kc patama sayo o hindi kaya somehow affected ka.

Kaya sa araw na to, dati masaya ako pag dumating ito kc monthsary namin pero ngaun, andami kong naluha. Lumuluha ako sa mga bagay na mababaw lang sa iba pero tagos para sa akin. Una dahil sa Ningning kung saan lahat sila nagdadasal para kay Ningning na malaki ang chance na mabulag lalo na pag walang mahanap na cornea donor. Pangalawa ay dahil sa On The Wings Of Love dahil parin sa pagdadasal ni Tita Jack para sa anak nyang si Jigs dahil nasa coma sanhi ng aksidente sa motorsiklo. Ba't ako naiiyak doon? Hindi ko alam actually. Basta naiiyak lang ako.

Paano ka nga ba bumabagon sa panahong ubos ka na? Tingin mo sa paligid mo na hopeless na ang buhay. Ung lahat ng bagay hindi mo ma-appreciate. Pag may mangulit naman sayo to genuinely comfort you, hindi ka naman makausap ng matino. Pakamatay na nga ba? Gosh! What a useless life!

No comments:

Post a Comment